antayteld.
Ayoko sa tubig pero ibang usapan na pag-ULAN.
Narerelaks ako.
Sumasabay sa pagpatak ng ulan,
Ang pagkawala ng mga problema ko.
Kapag umuulan..
Pakiramdam ko,
May kakampi ako.
Sabay kaming nalulungkot.
Sabay kaming umiiyak ng langit.
Malaking bagay na sakin yun dahil
‘di ako sanay ng may dumadamay sakin sa pagluha.
At di rin naman sanay ang tao pag umiiyak ako.
Mas sanay sila sa mga ngiti ko,
sa tawa ko kahit walang nakakatawa,
at sa mga banat kong puro kakornihan.
Tinatakpan ng ulan lahat ng kalungkutan ko,
at ang mga bagay na wala ako,
at ang mga bagay na gusto ko SANANG mangyari.
Para lang bumalik ako sa katotohanan:
Magtigil ka nga! Ang arte mo!
Emotera ka talaga kahit kailan!
Emotera ka DYANE!! [tawa]
Dito lang ako. Tumigil ka na..
Magpanggap ka na lang ulit na masaya ka,
na para bang walang problema.
[hikbi]
Hanggang sa susunod na pagpatak ng ulan.
Kikimkimin ko muna ang LAHAAAAT..
*sigh*
[11.01.08]