header image

nonsense

Posted by: dyane-bunso | September 25, 2009 |

september 25, 2009-friday

kanina ko na lang ulit naranasang tumawa ng malakas. as in malakas! yun halakhak ba tawag dun? basta kung anu man un. nakakatawa. :P kala ko matatapos ang araw na ‘to na nagmumukmuk ako. hahaha. buti na lang hinde. :)

after class kanina, niyaya ko si ancla na punta sm. kasi gusto kong makalimutan yun nangyare kaninang umaga. haays. nakakainis kasi e. kaya pala bigla kong naisip kagabe, bago ko mahiga na baka nga hindi kami matuloy bukas(saturday). ako kase, pag bigla kong naisip at naramdam. walng palya! nagkakatotoo. hirap pala ng ganito. nakakapraning. kasi lahat ng maisip mo, nagkakatotoo!

pero sinabi ko din naman sa sarili ko na: “ok lang yun. asahan mo na na mangyayare. sanay na din naman ako e..” e kaya lang!! amp! totoo nga. iba pa din pag nandyan na. it hurts you know? hahaha. haays. nun makita ko pa lang sya e. iba talaga pakiramdam ko. ang seryoso kasi.. ayon. kaya tama nga ko.. tas inakbayan pa nya ko, at may bad news nga daw sya.? ayon.sabi ko na lang. wag na. alam ko na. di umalis na ko..

habang naglalakad ako pabalik sa room. juskoday! tutulo na yun luha ko. hahaha. ayon. kaya pagbalik ko sa upuan ko, ayun. hindi ko na kayang pigilan. naiyak na ko.. buti na lang hindi nahalata.. :|

ayon. napansin nga pala ni renz, na katabi ko, baket daw ang tahimik ko? hahaha. nakakagulat. hindi siguro sya sanay na tahimik ako. LOL. :D

badtrip. ang aga-aga..

pero ayon. nun nahimasmasan na ko. naisip ko na kelangan kong intindihin. biglaan yun e. nakakainis lang. kung kelan ok na lahat, saka pa hindi matutuloy.. 

 kaya ayon. uki na ko. :) hindi na ko badtrip sa nangyare. siguro sa sobrang busy, nakalimutan ko na..

ayon. e kaninang uwian. ang kulet ko kasi e! kahit na masama loob ko, pinuntahan ko pa rin sya.. itatanong ko kung pwede na lumabas kame. tutal hindi kame tuloy bukas. e kaya lang! ang malas talaga!! hindi daw pwede! at may laro daw kasi sila.. haays. di ayon, umalis na lang ako.

amp!! buset!! muntik ko nang maibato nga cellphone ni alfred nun e! nakakainis kasi. baket nya sa upuan ko nilapag yun cellphone nya??? may upuan sya! dun nya ilagay!! hahaha. ang int ng ulo. hahaha. natakot siguro si renz. hahaha. tinanong nya kasi kung anong nangayayare sa ken. hahahaha. :))

so ayon. tas nakita ko pa syang pauwe. natatawang naiinis ako. para kasing nagtatago?? hahaha. basta yun. tas nun tinawag nya ko, e mainit ulo ko, may sasabihin ata? e kaya lang alam nyang tampo ko. kaya ayun. di nya na tinuloy..

sorry..

pero kahit ganun buti na lang naging uki ako bago umuwe. hahaha. ansaya. :) tawa kami ng tawa. :))))) nakakatawa naman kasi pinag-uusapan namen. medyo kadiri nga lang! tungkol sa UTOT!! hahahahaha. ambabaw ko. dun lang tawang-tawa na ko!! hahahahaha. :D

saka atleast nakabonding ko na din sina cj at ancla. :) kanina na nga lang ata kami ulit nakalabas na kaming 3. :D

ayon. SALAMAT SENYU! :) PATI KINA JC, KURT AT HAYDEE! NA NAKITA KAME. HAHAHA. :) PATI KAY ATE NA MA- P.R. SA NESCAFE! :)

naisip ko tuloy habang pauwi ako, na hindi sa lahat ng panahon alam ng mga kakilala o kaibigan naten na kelangan natin sila.. kaya kung minsan pakiramdam naten nag-iisa tayo, mali pala yun. pwede ka naman lumapit sa kanila kung nangangailangan ka ng makakasama. DON’T STRESS YOURSELF na kakaisip na nag-iisa ka. hindi lang ikaw ang tao sa mundo. at may kani-kanila din silang buhay.

ngaakkk! anlayo ata ng pinagsasabi ko? hahahaha. :))

pero ngayon, uki na ko. at uki na uki na ulit kame. :D ansaya! hindi ko naman kayang matutulog na masama loob ko e. kaya nag sorry na din ako sa ginawa ko kanina.. saka meron naman kame bukas e! pag-uwi nya. :)

at ako daw ang BOSS!! yeheeeeey!! 

ayon. wala lang. nagblog lang. hahaha! :P

ang daldal ko talaga! :))

UTOOOTT!! :P

under: Uncategorized
Tags:

Responses -

wala ku masabi nak…

buti na din nak na di kayu natuloy.. kasi malamang nastranded kayu. basang sisiw pag-uwi. kung makauwi man late na. (kung makauwi man)

pero sori pa din daw nak.. kasalanan niya talaga. mahirap daw talagang mangako.

naiyak ka pala talaga nak.. sori :’(

tas yung mga lakad niya naman nak gaya nung laro nila nung fri at yung lakad dapat nila kahapon e di naman natuloy. KARMA..
sori nak.

ngak! tay ku!! mushu!! :* :) wussshhuuunngg!! forget it! hahaha. tapus na yun tay :) at uki naman na ‘kami’ e hahaha. :)
saka maya, weyt mu lang!!
marami-rami lang ia-update ko tay sa multiply :) sinisipag e. :P

lam ko namang mish mo na ko tay i. hahaha. kapal :P

basta tay, get ready maya! :D

Leave a response -

Your response:

Categories