header image

I need a break. :P

Posted by: dyane-bunso | July 19, 2009 |

“Hinay-hinay lang. Matuto naman tayong mag-break.”

[Mk. 6:30-34]

Hahahaha. Antagal ko din nawala a? As if naman may nakapansin. Hahaha. :p So ayon, ako’y nagbabalik para manggulo. Hahahaha. :)

Hmmm. Naalala ko yun sabi ni Papa, pag natuto daw ako mag-drive at may budget pa sya. Bibilhan daw nya ko ng kotse! Hahaha. So, ako naman nanlaki ang mga chingkit na mata. Hahaha. sa totoo lang kase gusto ko na din matuto e. Target ko nga sana this summer e magpapaturo ako sa pinsan ko ng magdrive. Para kung emergency e may magdadrive. :D Saka basta! Na-a-amaze talaga ko pag babae e marunong magrdive. :D

So ayon. Kung ano-ano tuloy naiimagine ko. Hahaha. Parang gusto ko color ng magiging kotse ko e.. Hmm.. Hahaha. Wala ko maisip. Kahit ano na lang. Hahaha. Ilusyunada talaga o. Hindi pa nga natututong magdrive iniisip na kaagad magiging kotse. Hahaha! :P

Ngak! Ano nga bang connect ng pinagsasabi ko?? Hahaha. Kaloka! :P

Kanina kase um-attend kami ng mass sa Antipolo. Hmm. Our Lady of Peace and Good Voyage Shrine ang alam ko yun e. Basta, yun sikat sa Antipolo na church. Naririnig ko lang kase pag pupunta kame e “Antipolo Church”. :D

Ayon. As usual, hindi na naman naming naumpisahan yun mass. Juskoday! Anlayo kaya ng Valenzuela. Tapos late na din kaming nagising, mga 5:00 am na. Tapos ako, isang malaking, HAHAHAHAHAHA! Almost 2 na kong natulog! Iii.. Hahaha. :P

Kaya ayon, pero kunware ako hindi napuyat. :) Kaya pagdating sa kotse, talagang natulog ako. Hahaha. Kaya pag gising ko e nasa Antipolo na kame. Mabuting bata. :D

So ayon nga diba? Buti na lang e yung mismong sermon e naabutan namin. Sa mga mass talaga yun Gospel at Sermon lang ni Father ang inaabangan ko e. Ang ganda kase. Naalala ko pa nun minsan class namin sa CL. :) Sabi ni Sir Buddy, yun Gospel daw laging may connect sa buhay natin ngayon. Kahit nga daw mismo sa politics. Kahit daw matagal ng naisulat ang Bible, laging konektado daw sa buhay natin ito. Naks! Nakikinig ako a. :D

Natuwa talaga ako, kasi nga nataun pang gusto ko ng matutong magdrive yun pinakasermon nya. Mga violations. :) Here it goes! :P

First, OVERLOADING. Yan, isa daw sa mga sakit ng tao. Aminado din naman ako e. GUILTY. Tayong mga tao, sa sobrang gusto nating madaming makamit sa buhay. Nalilimutan na natin yun mas importante. Halimbawa na lang sa skul: may sinabi na teacher mo na kelangan nya ng tulong. Kunware sa pagche-check ng mga exams, ikaw narinig mo. As a student, maiisip mo na tulungan yun teacher mo. Pero naisip mo ba na may mga bagay ka din na kelangan gawin? So, dahil hindi mo nga naisip e, nagvolunteer ka. So ayon, pagdating sa bahay namomroblema ka. Ano ang uunahin mo? Yung pagche-check ng test papers o yun project mo na nakaraan month pa palang binigay pero ni isa wala ka pang naumpisahan. Ayan! Timang kase. Hahaha. :D

Pwede ka namang tumanggi at magpaliwanag ng maayos kung bakit hindi mo magagawa ang isang bagay. Hindi ka perpekto. Computer nga nagha-hang pag andaming files at sabay-sabay ang ginagawa mo. Ikaw pa kaya na tao. Pag hindi mo itinigil yan. Sasabog ka na lang bigla.

Second, DISOBEYING TRAFFIC SIGNS. May in-example si Father na nakakatuwa. Pero mamaya na lang, para yun sa may mga asawa o lovers. :D

May mga traffic signs din ang buhay. Yun pagkakaron mo ng sakit e traffic signs yan. Kahit simpleng ubo, sipon o sakit ng ulo yan. Ibig sabihin sa sobrang pagod o busy mo e napapabayaan mo na sarili mo. At first, simple lang pero hindi mo mamalayan na habang tumatagal e lumalala na yan.

Eto, natawa ako talaga ko dito. Ito na yun para sa mga mag-asawa o lovers. Yieieie. Sobrang cheeeessssyy! Hahaha. :D Di ba, may nakikita tayong No U-Turn Sign ba yun? Haha. Hmm. Alam ko, gets nyo na kagad yon. :P

Sa mga may asawa o may karelasyon.[lalim? :P ] H’wag daw kayong basta-basta kumakaliwa. Hindi nyo alam kung kelan kayo mahuhuli. Ay correction pala, masamang mangaliwa! Against the law! :P Saka kayo naman, nakalagay na ngang no u-turn, u-turn pa din ng u-turn. Sige kayo, bigla na lang kayo sumalpok sa pader o puno dyan. Makasira pa kayo ng property. Gastos pa.

Last but not the least, OVERSPEEDING. Nun pauwi na kami e nag NLEX kami? Hindi ako sure kung NLEX nga ba yun. Nagising kasi ako nasa expressway kami dumaan. Hahaha. :p

Ayon. Overspeeding. Tao parang laging hinahabol ng taga. Hahaha. Laging madali. :D Kung pwede lang magawa na lahat e gagawin na sa iisang panahon.

Speaking of NLEX, ang mga driver daw pag sa NLEX. Di ba may speed limit ba tawag dun? Hahaha. Na dapat 3 hindi bababa sa 110 km/h ata yun speed mo.Tas ikaw, alam mong dapat ganon mas mababa sa limit yun ginawa mo. Tas pag sa highway lang ambilis naman. Na-experience ko minsan na sa jeep, humaharurot! Nakikipagpatintero ata kay kamatayan. Kung gusto nyong magpakamatay, wag kayong mandamay! [Ngak! Nagalet? Hahahaha. :P ]

Hinay-hinay lang. Kung kelangan mabilis, ‘di yun ang gawin mo. Hindi kung kelan dapat maghinay-hinay e saka ka parang nagmamarathon. Matuto naman tayong mag-break. Sabi nga sa mga driver. MAKALIMUTAN MO NA LAHAT WAG LANG ANG BREAK. Natural, ikakapahamak mo pag nakalimutan mong magbreak. Saka, kelangan talaga ng tao ang break. Ang tao parang makina; umaandar at kelangan din ng pahinga. Minsan sa sobrang gamit daw nga ng isang gamit e madali itong nasisira.

Marami pang mga violations tayong nagagawa sa ating buhay. Ang ilan nga dito e ang Overloading, Disobeying Traffic Signs at Overspeeding. Sa buhay natin marami tayong haharaping mga sitwasyon na minsan e hindi natin alam kung anong dapat itugon dito. Pero kahit marami tayong magawang violatons e andyan pa din si Papa Jesus, na handang magpatawad at tanggapin tayong muli. :D Pero sa dapat violation na nagagawa natin e dapat may lesson tayong matutunan. Ginawa ang mga batas para sundin, hindi para baliin. [Ngak! Saan ‘to galing?! Hahaha. Walang connect. :P ]

Ayan. At last, natapos din. :D

[07.19.09]

under: Uncategorized

Responses -

ay nak ayan:)
kument din ako dito:)

suri nak a:)
di ko kasi nakita to agad i:)

nauna yung sa multiply..

hahahaha:)

ay nak midyu mali ata yun pagkaintindi mu dun sa dayalog na kument ku dun sa blog mu na to na yung tungkol sa mag-bf na sabi nun gf na “break” na tayu..

tas sabi ng bf na sige, gutom na din ako ii..
hahaha:)

ang mining kasi ng gf dun nak e magbreak na as in “mag-split” na sila:)
mali lang yung pagkaintindi ng boy na kala niya kain lang sila:P

hahahahahaha:)

manhid o misunderstanding nak:)

ay nak midyu sumikip ata yung new layout mu dito ngayun sa blogsite mu dito?:P
o di lang kinaya ng net ko yung page na to?:P
hahahaha:)

peru nak mas okei makreply sa multiply kasi di mu na kelangang magtype ng kung anu-anong words sa baba bagu mu send i:)
tuloy-tuloy lang kasi dun i:)

hahahahaha:)

ay nak ganda ng pic sa taash u:)
puno?:P
otom?:)
ayieieieie:)
mish na niya uu:P

hahahahahaha:)

ay nak midyu mali ata yun pagkaintindi mu dun sa dayalog na kument ku dun sa blog mu na to na yung tungkol sa mag-bf na sabi nun gf na “break” na tayu..

“tas sabi ng bf na sige, gutom na din ako ii..
hahaha:)

ang mining kasi ng gf dun nak e magbreak na as in “mag-split” na sila:)
mali lang yung pagkaintindi ng boy na kala niya kain lang sila:P

hahahahahaha:)

manhid o misunderstanding nak:)”

-Ngak! Alam ko po yun tay.. Narinig at nabasa ko na po yun e. Hahahaha.

“ay nak midyu sumikip ata yung new layout mu dito ngayun sa blogsite mu dito?:P
o di lang kinaya ng net ko yung page na to?:P
hahahaha:)”

-Hindi tay. Ganyan talaga yan. Yan theme ko ngayon.. :)

Leave a response -

Your response:

Categories