Sanaysay: OFW Si TATAY

“Nagtitiis si Tatay para matustusan ang aming pangangailangan.”

Labinlimang taong gulang na ako, pero hanggang ngayon ay umaalis pa rin ang tatay ko para magtrabaho sa ibang bansa. Ang katwiran kasi ng aking ama, wala syang mapapala dito sa Pilipinas. At aminado din ako. Malamang kung hindi sya nag-abroad, wala pa rin kaming permanenteng tirahan. Hindi kami nakakariwasa ngayon. At higit sa lahat, hindi kami makakapasok sa isang pribadong paaralan. Parating ipinapaalala sa amin ng aking nanay na nagtitiis si Tatay para matustusan ang aming pangangailangan. Palibhasa’y sanay sa hirap, lalo na ang aking ama. Napabayaan sya kaya natutong tumayo sa sarili nyang mga paa kahit sya ay bata pa. Sa kadahilang sirang pamilya ang kanyang pinanggalingan. Kaya pinagpasa-pasahan lang sya ng mga kamag-anak.

Uuwi kada anim na buwan, tapos aalis pagkalipas ng isang buwan. Yan ang daloy ng buhay ng tatay ko. Mabuti na lang at hindi pa naming ganung ramdam ang tinatawag nilang “Global Recession”. Wala pang isang buwan, nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa isang taxi para ihatid ang Tatay sa Airport. Madami na kasing gastusin sa bahay. At dalawa na kami ng kapatid ko ang nag-aaral, sa parehong pampribadong paaralan pa. At hindi na din magtatagal, kailangan ko ng pumasok sa kolehiyo. At tiyak na mas mabigat na ang gastusin. Kailangan nyang magtrabaho at kumita.

Kung tutuusin madami ang napalampas na pagkakataon si Tatay, lalo na sa ‘kin. Wala sya nun una akong umakyat sa entablado para magtanghal ng isang awit. Wala sya nun una akong grumadweyt sa elementarya. Palagi syang wala. Kapag nandito naman sya sa Pilipinas para magbakasyon, halos wala na akong panahon para makipag-usap sa kanya. Abala rin kasi sya sa pag-aayos ng kanyang mga papeles sa pag-alis muli. At mas malaki ang oras ang naibubuhos ko sa pagpasok sa eskwelahan.

Minsan nga naisip ko, mas kilala ko pa ang ibang tao kesa sa aking ama. Hindi ko alam kung ano ang paborito nyang gawin at hilig. Siguro kung may magtatanong sa ‘kin kung ano ang paborito nyang pagkain ay isang malaking ewan ang maisasagot ko. Sya kaya, alam kaya nyang paborito ko si Doraemon? Siguro, hindi. Alam din kaya nyang hilig ko ang pagsulat? Malamang, hindi din. Madalas akong naiinggit pag may nakikita akong mag-amang magkasama na umaalis. Iniisip ko na sana naging malapit din kami ng aking ama.

Pero kahit ganun ang nangyare, wala akong karapatang sumbatan sya sa mga panahong wala sya. Ginawa nya lang naman yon para matustusan ang mga pangangailangan namin. Nandyan naman ang aking ina, para bantayan kami. Pasalamat na lang ako. At isang katulad nya na ama ang meron ako. Kahit naman wala sya, alam kong hindi nya kami pinabayaan.

Hindi man natin sya madalas makasama, sa kadahilanng sya ang karaniwang nagtatrabaho, ay utang na loob pa rin natin sa kanya ang ating buhay. Kung wala sya, hindi tayo magiging ganap na tao. Kailangan lang nating tanggapin na hindi sa lahat ng pagkakataon, ang pamilya natin ay kumpleto at masaya. Pero sabi nga nila, may panahon sa lahat ng bagay. At alam kong darating din ang panahon na makukumpleto ang bawat pamilya sa hapag-kainan at hindi na kakailanganin na may lumisan pa ng bansa para lang kumita ng pera.

********************************************************************

para ‘to sa Filipino namin e.

haha. haay. wala ko sa kundisyon para gumawa..

sanaysay pa naman ‘daw’ to..

HAPPY FATHER’S DAY!

[06.20.08]

-kelangan ko pa palang dagdagan ‘to!

syete! hindi ko alam gumawa ng balangkas! buset.

haays. mabuti naman at natapos ko na din ire-write ‘to! sakit sa kamey. hahaha. :P

16 Comments »

  1. gra[sha] :) Said,

    June 20, 2009 @ 11:11 am

    syett. nakakatouch na nakakaiyak rosedyane!
    maganda tong nasulat mo. pinakagusto ko sa lahat! :)
    sana mas maging close mo na si papa mo,
    at sana din, mabasa niya to!
    sa tingin ko maiiyak siya.

  2. dyane-bunso Said,

    June 22, 2009 @ 6:19 am

    Ngak! Nako! Pagtatawanan lang ako nun pag nabasa nya ‘to.
    Hahaha. :D

  3. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:31 am

    ay nak may isa pa kong payo dito sa sanaysay mu a:)
    sa tgi na lang:P

  4. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:34 am

    sana nga nak mabasa to ni papa mu:D

    pagdating niya…

  5. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:35 am

    ang galing nak ni papa mu talaga:)
    hindi naging hindrance sa kanya yung pagkakagaling niya sa “broken family” :)

  6. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:38 am

    nakakainspire nga yung buhay niya nak e:)
    yung iba kasing kabataan ngayun ka-lalaking tao nagloloko sa pag-aaral. hihinto tas tatambay na lang. pabigat tuloy at mga walang silbi..

  7. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:40 am

    yun nga lang nak. dahil dun e di na kayu nakakapagbonding ng husto. lalo na ngayun lumalaki ka na. marami na kayung di alam sa isa’t-isa.. may mga advantages at disadvantages talaga…

  8. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:41 am

    “At isang katulad nya na ama ang meron ako. Kahit naman wala sya, alam kong hindi nya kami pinabayaan.”

    tama nak to:)

  9. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:44 am

    ganda nak ng conclusion mu:) nageneralize mu talaga ii..:D

    kungrats nak dito:D

    a nak e anung grade nito?
    at pabasa din ako nak ng balangkas mu dito a:)

    gegraydan ku din?:P

    hahahahahahahahahhaha:)ang filing ku nak:P

  10. .tay Said,

    June 25, 2009 @ 2:45 am

    belated hapi fathers day nak kay papa mu!!!

    salamat sa kanya dahil anjan ka!!!

    …so ko:P

    tugugssshhhhhhhhhhhhh!!!

  11. dyane-bunso Said,

    June 30, 2009 @ 4:48 am

    Owhh My!! Hindi ko pa pala tay nareplyan ‘to..
    Hahaha. Busy-busy-han kase. Hahaha. :P

  12. dyane-bunso Said,

    June 30, 2009 @ 4:51 am

    “ay nak may isa pa kong payo dito sa sanaysay mu a:)
    sa tgi na lang:P”

    -Ngieieie. Ano kaya yun?? :P

    “sana nga nak mabasa to ni papa mu:D

    pagdating niya…”

    -Ngak! Yoko! Alam ko na magiging reaction nya e. Hahaha. Chora ko! :p

    “ang galing nak ni papa mu talaga:)
    hindi naging hindrance sa kanya yung pagkakagaling niya sa “broken family” :)

    -Hihihi. Yap tay. :)

    “nakakainspire nga yung buhay niya nak e:)
    yung iba kasing kabataan ngayun ka-lalaking tao nagloloko sa pag-aaral. hihinto tas tatambay na lang. pabigat tuloy at mga walang silbi..”

    -Ngieieie. Chapul ako dito a. Hahahahahahaha.

  13. dyane-bunso Said,

    June 30, 2009 @ 4:55 am

    “yun nga lang nak. dahil dun e di na kayu nakakapagbonding ng husto. lalo na ngayun lumalaki ka na. marami na kayung di alam sa isa’t-isa.. may mga advantages at disadvantages talaga…”

    -Yap tay. Hays. :) That’s Life! :D

    ““At isang katulad nya na ama ang meron ako. Kahit naman wala sya, alam kong hindi nya kami pinabayaan.”

    tama nak to:) ”

    -:D

    “ganda nak ng conclusion mu:) nageneralize mu talaga ii..:D

    kungrats nak dito:D

    a nak e anung grade nito?
    at pabasa din ako nak ng balangkas mu dito a:)

    gegraydan ku din?:P

    hahahahahahahahahhaha:)ang filing ku nak:P”

    -Ngak! Hahaha. Wala pang grade na nakalagay tay i.. :) Pina-re-write lang po i, dba? Hahahaha. :) Tay talaga u! Baka mababa ibigay mong grade i.. Hahahaha. :P

  14. dyane-bunso Said,

    June 30, 2009 @ 4:56 am

    “belated hapi fathers day nak kay papa mu!!!

    salamat sa kanya dahil anjan ka!!!

    …so ko:P

    tugugssshhhhhhhhhhhhh!!!”

    -Salamat tay. :)
    “…so ko:p”
    -Wuuu.. :P
    TUUUUGGSSSHSHSHSHS!! Hahahahaha. ;)

  15. kathleenfaith Said,

    August 5, 2009 @ 4:56 am

    ang ganda naman nito at ngayon ko lang nalaman na hilig mo ang pagsulat.. well done! ;]

  16. dyane-bunso Said,

    August 5, 2009 @ 5:01 am

    KET! Hahaha. OL ka ngayon!
    Mish na kita, BES! :) Salamat sa comment. :D
    Hmm. Medyo? Hahaha. At alam kong ganun ka din! Kaya hihintayin ko ang iyong mga akda! Naks. :D

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Leave a Comment