Mas enjoy talaga ako pag nagko-commute lang kame. Mas madame akong nakikita at napapansin.
Katulad kanina, habang papunta kami nina Mama sa … kung saan man ang mararating. May nakita ako. Onga pala, badtrip! Umulan na naman kanina. Haays! Kawawa naman si Inang Mundo, sira na… So, kung kayo e maglalamyerda, ‘wag nyong kalilimutang magdala ng payong! Mahirap na. Naranasan ko nang mag-mukhang basang sisiw. Ang lagket!! Saka yung may mga MOTOR dyan, magdala na kayo ng kapote! (MAY TAMAAN SANA..
)
Ayun. Balik tayo sa magiging kwento ko. Ang daldal ko talaga. Haha!
Hindi ko alam kung matutuwa o maaawa ako sa nakita ko. May nakita kasi akong tatlong lalaki, siguro matanda lang konte sa ‘kin. Hindi ko din sigurado kung magkakapatid ba sila… Para kasing magkakasing edad lang sila e. Baka barkada?
Natuwa ako kase… Alam mo yun? Kahit umuulan tuloy pa din sila sa pagtitinda. Ang sweet nga nila e. Yun dalawa, taga-hawak nun pagkaing nilalako nila tapus yun isa naman ang taga-hawak nun payong. How sweet, diba?
Naawa naman ako kasi kahit ang lakas na nun ulan, tuloy pa din sila. Sigurado ako, basa na sila. Kase hindi naman talaga sila magkakasya sa iisang payong at malakas pa ang ulan at hangin. Kung mag-isa ka lang e mababasa ka, paano pa kaya sila na tatlo??
Pero parang naramdaman ko yun determinasyon nila na maibenta at maubos kung anu man yun tinitinda nila. Galing ko no? Psyche yata ‘to. Ngak! Kapal ko talaga. Haha! Sige, manghuhula na lang.
Nakakainggit naman sila, kahit mahirap kung anu man yun ginagawa nila… Tuloy-tuloy pa din sila at SAMA-SAMA…
Nakakapagdagdag ng lakas ng loob kasi yun alam mong may kasama ka. Kahit alam mong mahirap ang gagawin mo/nyo, atleast hindi mo maiisip na wala ka man lang nakasama sa pag-gawa ng isang bagay. Enjoy yata yun may ka-chikahan ka at kakulitan.
(Onga pala, nakakatuwa sa panahon ngayon, may mga kabataan pa rin na matino ang pag-iisip. Wala lang. hahaha.
)
Hmmm…
Ako kaya?? Kelan ako makakahanap o makakakilala nang ganun klaseng mga tao/kaibigan? Pero hindi literally na magtitinda kame habang umuulan. Haha! (Pero pwede din, malay natin. Haha.
) I mean yun kahit sa hirap o ginhawa may makakasama ako…
Haayss… Wala lang nagdrama at dumaldal lang. Hahaha.
[05.13.09]
