header image

HMD! :)

Posted by: dyane-bunso | May 10, 2009 |

Sa umaga: “Anak, gising na.. alas diyes na o. Tanghali na. Bumangon ka na dyan.”

Kapag nagkocomputer: “Tigilan mo nayang pag-kocomputer! Kanina pa! Tingnan naten kung hindi lumabo yan mata mo!”

Kapag nasa kwarto: “Bumaba ka na dyan, kain na.”

Kapag na-late umuwi galing sa school (o gala): “Anong oras na?! Bakit ngayon ka lang?!”

Palagi na lang ganito ang eksena sa bahay namin. Nakakasawa na. Kapagod. Daldal nang daldal ang nanay ko, parang sirang plaka! Halos kabisado ko na ata mga sermon nya e. Araw-araw may misa!

Minsan naiisip ko, buti pa sya kahit magulo at pasaway kami ng kapatid ko.. Hindi nya kami nagagawang iwan kahit galit na sya.

“Oo na! gagawin na nga e!”

Hindi ko din maiwasan minsan na masagot sya nang pabalang. Nadala lang ako..

Pero hindi yun excuse para gawin ko yun. Alam kong mali ang nagawa ko.

Ang totoo nyan, pag alis nya.. Naiiyak na lang ako kasi alam kong nasaktan ko sya sa nagawa ko.

Galit na galit ako kapag nasisigawan at pinapagalitan nya ko. Pero naiintindihan ko naman sya, kahit masama ang loob ko…

Masama ang loob?? Ako pa ang may ganang sumama ang loob?? Oo. Walang hiya at hindi ako mabuting anak. Kasi wala akong UTANG NA LOOB sa kanya. Ako na nga ‘tong inaalagaan ako pa ang nagagalit.

Minsan iniisip ko.. ano kaya kung isang araw umalis o wala sya? E di masaya yun! Walang maingay sa bahay. Walang manok na putak nang putak.

Pero nung nangyare yun, nawalan ng saya araw ko. Hindi ko din pala kayang wala sya. Hindi ko pa pala kayang tumayo sa sarili kong mga paa. At HINDI AKO SANAY NANG HINDI KO SYA NAKIKITA.

Sya nga lang ang taong WALANG DAY-OFF at WALANG SUWELDO sa mga bagay na ginagawa nya para sa amin.

“Ma…

HAPPY MOTHER’S DAY!! :D

“…pero sa lahat ng chop-chop… IKAW ANG BUO. :)

(hahaha. ginaya ko sa Lactum. BATANG LACTUM E! :D )

“LABYU MA.. :*”

PS. Nuod tayo nun BFF. Treat mo ha? :)

*Happy Mother’s Day sa lahat! :) *

[05.10.09]

under: Uncategorized

Responses -

kuyut nak!!!
nauna yung dayalug:)
bagong style mu nak ku a:)

“Araw-araw may misa!”

hahahaha:)
natawa ko nak dito:)

“Sya nga lang ang taong WALANG DAY-OFF at WALANG SUWELDO sa mga bagay na ginagawa nya para sa amin.”

lalim nak nito a..

kakaiyak nak.

“PS. Nuod tayo nun BFF. Treat mo ha? ”

ngakkk!!!
hahahahaha:)
nag-aya tas makpapalebri pala:)

adik ka nak!:)

hahahahaha:)

piru l.m ko…

4-5: aaa….

hahahahahaha:)

ganda nak:)

lam mu tingin ku nga bihira lang ang nakakagawa ng blogs na ganito ang topic e:)

kip ap bun.o!!!

ay nak sana mabasa to ng mama mu…
kasi para sa kanya to i:)

o lahat ng mga nanay/inay diyan:)

i.ay: huh?:)

hahahahahahaha:)

yap tay. :D hahaha. bagong estilo. :) huwaw! me ganon?? :P

pero dun sa gagawin ko para sa june e … hmm..
watch out!! ngak!! :D
basta. surprays. :)

yap tay. may sermon e. kaya MISA. :D

kanina nga lang tay. nagpaplano pa lang kameng umalis. dame nang sinabi.
tinatanong ko lang naman kung kakain pa? ang haba na. hahahaha. :D

wala lang. chumika lang. :D

hahahaha. ewan ko tay. :) ndi naman kase kami chwit ni mama e. :) mas chwit pa nga yun kapatid ko. :D
bahala na kung mabasa nya.. :)

hahahahaha. sinu kaya yun i.ay?? :P natawa ko bigla. :)

Leave a response -

Your response:

Categories