“Life is so unfair.”
Palagi ko na lang naiisip. Bakit nga ba ganun? Wala sigurong magiging fair o magpapantay? Parating may lamang o kulang.
Aminado akong madami akong hinanakit sa buhay. Kaartehan. At demanding akong nilalang. Hindi ko lang sinasabi pero sa loob-loob ko, nagwawala na. Nagpupumiglas na masabi kung ano man ang nararamdaman at gustong sabihin.
Hindi ako masalitang tao. Kinikimkim ko lahat ng nararamdaman ko. Kapag hindi ko na kaya, bigla na lang sasabog. Makikita mo na lang ako nasa sulok.
Kadalasang sinasabi nila matapang ako, malakas. Pero nagkakamali sila. Oo. Pinipilit kong maging malakas kahit alam kong hindi ko na kaya. Kadalasan pa nga, ako na ‘tong may problema, ako pa nagpapalakas sa ibang tao.
Ang hirap din minsan. Akala nila, sa kadahilanan matapang ako, na kaya kong dalhin ano man ang nararamdaman ko, wala na kong maasahang tao na makapagbigay ng lakas ng loob.
“Parang sa isang iglap, nawalan ako ng kaibigan o kakilala. Mistulang ako’y isang estranghero na napadpad kung saan.”
Alam ko masamang umasa. Pero totoo naman na ‘pag may ginawa kang isang bagay, maiisip mo pa din na sana may kapalit.
“Puro na lang ba ako? O sadyang walang taong gustong magpalakas at dumamay sa ‘kin?”
Pero kahit ganito ang buhay ko, masasabi kong masaya pa din ako.
CHEMPRE!
Lalu na’t napatunayan kong may isang tao pa rin na nagtitiyaga at nakapagbibigay ng saya at lakas ng loob sa ‘kin.. (Hmm.. Alam mo naman kung sino ka.
)
Saka hindi naman talaga lahat ng gusto natin pwedeng makuha.
Katulad lang din naman na: hindi lahat ng gusto nating pagkain e makakain natin sa parehong panahon. Isa-isa lang. Dapat tayong makuntento kung anu man ang meron tayo.
“It’s not counting what we have; it’s loving what we have.”
Haaays. Ganito talaga ang buhay. Up and down. Parang gulong.
Paikot-ikot hanggang sa mahilo ka.
Kagaya ngayon, hilo ka na sa pinagsasabi ko. Hahaha! Behlaat!
[O5.16.09-9:12pm]
