juana
“Life is a big redundancy of what you make it.”
Hays. Nalalabi na ang oras ko. Ilang araw na lang magpapasukan na.. pero hanggang ngayon wala pa din nagbabago sa buhay ko. Paulit-ulit na lang. Nakakapagod. Nakakasawa…
Labinlimang taon na kong epal at pabigat. Ang tanda ko na pero parang wala pa ring saysay at patutunguhan ‘tong “buhay” ko..
Mukha na kong timang. Palagi na lang nakahilata, nakaupo, nakahiga. Kain – tulog – computer. Nakakapagod na din maging tamad. How ironic? Pero totoo.
Pathetic…
Kikilos lang ako ‘pag gusto ko. Kikilos lang ako ‘pag inutusan ako. Pero magdadabog pa yan.
“Anu ba?! Kelangan pa ba yan mga yan?! BATUKAN KAYA KITA!! MAG-ISIP KA NGA!!”
Kelangan ko na ‘tong gamutin. Baka lumala pa lalo ‘tong sakit ko – ang KATAMARAN.
“Kapitan Sino!! HELP!! Haha!”
Kaya napagdesisyunan ko maging masipag naman kahit papaano. Iiwasan ko na yun paghihilata at paghiga sa sofa. Haha! Para naman pumayat-payat pa ko. Bwahaha.
Saka feeling ko nabo-bobo na ko.(kelan ba hinde?)
Sabi nga nila, mas lapitin ka sa sakit kung tamad ka.
Napagtanto ko na din kasi wala akong patutunguhan kung parati na lang akong ganito.
Saka ayoko naman maging babaeng bersyon ako ni Juan.
“ANO KO? JUANA TAMAD??! NO WAY!!”
Siguro ito na talaga! Ito na ang panahon. Gawin ang mga dapat gawin. Tapusin na ang dapat tapusin. Kelangan kong mabuhay ng matiwasay at hindi tulad ngayon.
Pero…
Bukas na lang… Katamad e… Hahaha!
Paalam!
[05.26.09 - 08:26 pm]