Archive forApril, 2009

IN!!!

May nakita akong batang lalake na nakasuot ng palda kahapon. Baket kaya? Apoy na ang ibinubuga ng aming electric fan. Medyo tumaas na din ng 50% ang electric bill namin. Medyo pa lang yan! Medyo tumaas din ang bill ng tubig. Marami nang bubuyog sa beach. Kahit sa mall meron na din. Paiksian na ng suot. Nagsusulputan na ang tindahan ng halo-halo. Mabenta ang ice candy. RAPSA!! Sports minded na ang mga SK. May mga liga na sa bawat baranggay. At hindi lang dreams ang wet, pati leki leki! At ang pinakanapansin ko ay ang mga bata. Nagkalat na sila. Bakasyon na talaga! Yey!!

Naalala ko tuloy nun mas bata pa ako. Ganun din kasi ako e. Nakikipaglaro sa mga batang kakilala at sa mga batang hindi ko naman talaga kilala. Kahit mismong pangalan nila e hindi ko alam.

Taguan, luksong baka at may luksong tinik pa!, tumbang preso, mataya-taya, habulan, langit lupa, chinese garter, bahay-bahayan, at PATINTERO.

IN!!!

Patintero. Ito ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat depende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat koponan.

Ang bawat kalahok ng isang koponan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya’t napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo. Ito rin ang tinatawag nilang patotot.

Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa koponan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang koponan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabila.

Ang unang koponan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Ang patintero ay hindi basta laro ng mga bata at isip-bata. Kahit hanggang ngayon matanda na kayo, at bata pa ako, naglalaro pa rin tayo ng patintero. Hindi na nga lang sa kalye o daan, pero sa totoong buhay. Ibang-iba na ito.. Hindi na ito na ‘pag nataya ka, pwede kang magsabi na nadaya ka. Kapag sawa ka na, ayawan na.

IBA NA.

Sa nilalaro nating patintero, WALANG ULITAN. WALANG AYAWAN. Kailangan mong malampasan ang mga nakaharang sa dadaanan mo. Hindi mo pwedeng titigan na lang ang mga guhit habambuhay. Kailangan mong pilitin, kahit alam mong may mga panganib, pagsubok at pwedeng pwede kang mataya anu mang oras. Dahil sa oras na malampasan mo ang lahat. Mapapatalon ka sa tuwa, dahil nakaya mo.

WHEW!!

Marami man ang nagbago sa patakaran ng patintero noong bata ka pa at sa buhay mo ngayon. Hindi pa rin nagbabago ang pananaw bilang manlalaro at bilang taong haharap sa mga pagsubok sa buhay.

O ngayon? Tatayo ka na lang ba dyan? O aabante para malampasan ang mga guhit? Balewala kung masaktan ka man, ang mahalaga ay nakayanan mo at narating mo ang dulo.

“It’s better to cross the line and suffer the consequences than to just stare at the line for the rest of your life.” :: PATINTERO

:)

[04.18.09]

Comments (15)

E = D

why do people tend to be disappointed?

i know…

it is because we have EXPECTATIONS.

we do the right thing and expect people to do the same.

but unfortunately, this is not the usual scenario.

to face reality of real life is hard to accept.

it hurts… most of the time.

it’s unfair to be treated like this…

“ba’t ganun?

ginawa ko naman lahat…

pero bakit ganito??”

these are just some of the sentiments of most of us.

do not be sad. keep on doing what you think is right.

you may be hurt, feel sad and be disappointed but every experience is learning.

“the reason why we expect more than from others?

it’s because we are willing to do much for them”

“EXPECTING IS ONE WAY OF HURTING YOURSELF”

:(

[04.14.09]

Comments (10)

[blank]

sometimes it’s hard for me to reconcile things as they are with things as they were.

there is something about traditions and rituals from your childhood that seem so important, simply because they got there first.

they stick with you as being what should be, rather than just, simply, what was.

:::

i wasn’t born perfect.

perfect enough to meet everyone’s expectations.

perfect enough to be looked up onto, perfect enough to drive people’s insecurity and envy and seemingly perfect like i have everything in this world.

not all people who smile are really happy and not all who tear are sad.

they say, sometimes it’s easier to smile and pretend like nothing’s wrong than to explain to people why you are sad.

i have my own share of loneliness just like everyone here.

i have everything to be happy, i just do not how to count my blessings.

:::

amp. NONSENSE.

haay…

hindi ko maintindihan sarili ko…

eto na naman ako, nasa kawalan…

;(

[04.14.09]

Comments (10)

haay!

Eto na naman.

Wala naman akong ibang magawa,
Kun’di intindihin lahat na iyong ginagawa..

Haay..

Paulit ulit na lang ito.
Konti na lang, malapit ka nang BUMiNGGO.
Mag-isip-isip ka na ngayon..

Haay..

Unti-unti na akong nagsasawa.

Nakakapagod rin pala.

Parang ako’y naghihintay sa wala..

Haay..

Kaya ko naman pala!

Bakit nu’ng una pa ay hindi ko ginawa?!

Nasayang lang ang panahon ko.

Sa isang katulad mo.

HAAY!

[04.06.09]

Comments (15)

ti-wala.

Tiwala- paglalagak ng kalooban; kumpiyansa

Karamihan sa atin ay madaling magtiwala.

Likas na nga siguro sa mga pinoy ito.. Basta magawan ka lang ng magandang bagay, tiyak! Mapapalagay na ang loob mo.

Ngunit..

Kung gaano ito kadaling makuha, ganun din ito kahirap ibalik sa oras na ito ay mawala. Hindi mo ito pwedeng pilitin ibalik kung talagang ito ay naglaho na. para bang nabasag na SALAMiN.

“Ang salamin ay ‘pag nabasag,

hindi mo na ito kailanman mabubuo.

Maidikit man..

MAY LAMAT NA.”

Kaya sa oras na tayo ay pagkatiwalaan,ito ay ating ingatan at pahalagahan.

Huwag natin itong abusuhin..

Dahil ang lahat ng bagay ay may hangganan.

[04.06.09]

Comments (10)