header image

antayteld.

Posted by: dyane-bunso | November 1, 2008 |

Ayoko sa tubig pero ibang usapan na pag-ULAN.
Narerelaks ako.
Sumasabay sa pagpatak ng ulan,

Ang pagkawala ng mga problema ko.

Kapag umuulan..

Pakiramdam ko,

May kakampi ako.
Sabay kaming nalulungkot.

Sabay kaming umiiyak ng langit.

Malaking bagay na sakin yun dahil

‘di ako sanay ng may dumadamay sakin sa pagluha.

At di rin naman sanay ang tao pag umiiyak ako.

Mas sanay sila sa mga ngiti ko,

sa tawa ko kahit walang nakakatawa,

at sa mga banat kong puro kakornihan.

Tinatakpan ng ulan lahat ng kalungkutan ko,

at ang mga bagay na wala ako,

at ang mga bagay na gusto ko SANANG mangyari.

Para lang bumalik ako sa katotohanan:

Magtigil ka nga! Ang arte mo!

Emotera ka talaga kahit kailan!

Emotera ka DYANE!! [tawa]

Dito lang ako. Tumigil ka na..

Magpanggap ka na lang ulit na masaya ka,

na para bang walang problema.

[hikbi]

Hanggang sa susunod na pagpatak ng ulan.


Kikimkimin ko muna ang LAHAAAAT..

*sigh*

[11.01.08]

under: Uncategorized
Tags:

Responses -

grabe nak nakarelae ako ng subra dito:)
“ayoko sa tubig pero ibang usapan na pag ulan…”
idol!!! :)

ngayun ko lang narealize nak na parang may malaking kinalaman nga pala yun ulan sa kalungkuan natin nak nu???
lupet!!!
sulat ka pa nak ng marame a!!!
nakakainspire kang magsulat:)
ang gaganda!!!

talaga tay?:)
ginawa ko ‘to tay e kasalukuyang umuulan.:)
timing na timing.

ngak.
kakahiya tay..

pero salamat tay sa kompliment. :)

nakaka’sad nman to! pero ayun nga. prang gngwa mong way of escape ung ulan? prang sa sandaling yon, nagkakaintindihan tlga kayo.. hmmm. ang galing :D alalahanin mo nln n mdme p ding ibang tao for un pag na’sasad ka. :) kso prang minsan kse prang nkkpagod na din..

yep. korak. :)
oo. kaya ngayon, midyu masaya ako na kahit summer e umuulan.
hmm. summer ba talaga ‘to? hahahaha. :)
aun. sarap ng filing.
saka kasi pag umuulan,hindi halata na umiiyak ka e..

basa ka na kasi. nyahahahaha. :D

Leave a response -

Your response:

Categories