Archive forNovember, 2008

bulong.

Alala mo pa ba?!

Ang mga sandaling masaya.

Hindi mapagsidlan ng kalungkutan,

Ang ating mga mukha.

Ngunit tama ang hinala ko.

Panandalian lamang ang mga ito.

Sa isang kisapmata,

Naglaho ang lahat.

Kung alam mo lang,

Ang iyong mga nagawa.

Hindi pansin ang isang luhaan.

Subalit hindi magawang sumbatan.

Siguro, hanggang dito na lang.

Ang kaya kong gawin.

Mangarap na lang.

At bumulong sa hangin.


ang taray ng lola nyo. :)

pordaperstaym e nakagawa na ng tula.(?!)

tula nga ba?

hahaha. :)

salamat kay i..y . :)

nainspayr akong gumawa ng tula.

:)

[11.30.08]

Comments (10)

CHiLL!

“TIME IS GOLD”

-ika nga nila. Marami rin sa ‘tin na ito ang kanilang ‘motto’ o pananaw sa buhay. Tama nga naman. Mahalaga ang ORAS. Sa oras na ito ay dumaan, hindi mo na ito kelan man maibabalik (maliban na lang kung kaibigan mo si Doraemon, na maaring pahiramin ka nya ng ‘time machine’). Pero bakit sinasabi ng iba na kelangan mong ienjoy ang bawat sandali ng buhay mo? Magkasalungat nga ba ang dalawang ito? O sadyang … [wala] …

May mga taong halos wala na ginawa.(kain-tulog :: tulog-kain) Ay! Hindi pala. May ginagawa rin sila. “Gumawa ng WALA.”. Nauubos ang oras nila sa pagtutunganga, pag-iisip ng SANA …, at pagbabasa ng walang kwentang babasahin/blog(katulad nito!).

May mga tao rin naman na mahilig mag multi tasking. Kung pwede nga lang sa 1 minuto e nakagawa na sila ng 10 bagay. Para silang hinahabol ng mga pulis o parang may mga lakad o DATE?

Hindi na nila alam na inaabuso na nila ang kanilang mga katawan at isip. Parang hindi na rin nila inisip na kelangan din nilang mag-enjoy, mapagod at MAGPAHINGA. Masyado na nilang inaabuso ang kanilang mga sarili. Hindi ba nila alam na mabigyan nga nila ng mga pangunahing pangangailangan ang kanilang mga pamilya e isinasakripisyo naman nila ang kanilang mga sarili. Mahirap na. Baka sa huli ay ito pa ay kanilang pagsisihan.

“May panahong sa lahat ng bagay.

Steady lang tayo!

CHILL!!”

[11.09.08]

Comments (4)

antayteld.

Ayoko sa tubig pero ibang usapan na pag-ULAN.
Narerelaks ako.
Sumasabay sa pagpatak ng ulan,

Ang pagkawala ng mga problema ko.

Kapag umuulan..

Pakiramdam ko,

May kakampi ako.
Sabay kaming nalulungkot.

Sabay kaming umiiyak ng langit.

Malaking bagay na sakin yun dahil

‘di ako sanay ng may dumadamay sakin sa pagluha.

At di rin naman sanay ang tao pag umiiyak ako.

Mas sanay sila sa mga ngiti ko,

sa tawa ko kahit walang nakakatawa,

at sa mga banat kong puro kakornihan.

Tinatakpan ng ulan lahat ng kalungkutan ko,

at ang mga bagay na wala ako,

at ang mga bagay na gusto ko SANANG mangyari.

Para lang bumalik ako sa katotohanan:

Magtigil ka nga! Ang arte mo!

Emotera ka talaga kahit kailan!

Emotera ka DYANE!! [tawa]

Dito lang ako. Tumigil ka na..

Magpanggap ka na lang ulit na masaya ka,

na para bang walang problema.

[hikbi]

Hanggang sa susunod na pagpatak ng ulan.


Kikimkimin ko muna ang LAHAAAAT..

*sigh*

[11.01.08]

Comments (5)