‘tay

June 20th, 2009

Wala ka pang anak,

Pero alam mo na

Kung paano mag-alaga

Ng isang isip-bata.

Akala ko pa nga noong una,

Ikaw ay may pagka-“ganun” nga.

May pagka-masungit ka din kase,

At nali-link ka pa sa isang kapwa mo lalake.

Simple lang tayo noong una,

Pangkaraniwang tao lang

Para sa isa’t isa.

Ni ‘ha’, ni ‘ho’ - wala.

Hindi ko nga inaakala,

Na magiging ganito tayo.

Para kasing hindi seryoso.

At para lang din laro.

Madami naman dyan iba.

Pero bakit nga ba ako ang napili mo?

Hindi ako mabait, alam ko.

Pero pinipilit kong maging masaya ka.

Hindi man ako ang tunay mong anak,

Lab din kita katulad ng “papa” ko.

Hindi man din kita tunay na ama,

Nag-iisa ka namang itay ko.

;)

xoxox

[06.20.08]

Sanaysay: OFW Si TATAY

June 20th, 2009

“Nagtitiis si Tatay para matustusan ang aming pangangailangan.”

Labinlimang taong gulang na ako, pero hanggang ngayon ay umaalis pa rin ang tatay ko para magtrabaho sa ibang bansa. Ang katwiran kasi ng aking ama, wala syang mapapala dito sa Pilipinas. At aminado din ako. Malamang kung hindi sya nag-abroad, wala pa rin kaming permanenteng tirahan. Hindi kami nakakariwasa ngayon. At higit sa lahat, hindi kami makakapasok sa isang pribadong paaralan. Parating ipinapaalala sa amin ng aking nanay na nagtitiis si Tatay para matustusan ang aming pangangailangan. Palibhasa’y sanay sa hirap, lalo na ang aking ama. Napabayaan sya kaya natutong tumayo sa sarili nyang mga paa kahit sya ay bata pa. Sa kadahilang sirang pamilya ang kanyang pinanggalingan. Kaya pinagpasa-pasahan lang sya ng mga kamag-anak.

Uuwi kada anim na buwan, tapos aalis pagkalipas ng isang buwan. Yan ang daloy ng buhay ng tatay ko. Mabuti na lang at hindi pa naming ganung ramdam ang tinatawag nilang “Global Recession”. Wala pang isang buwan, nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa isang taxi para ihatid ang Tatay sa Airport. Madami na kasing gastusin sa bahay. At dalawa na kami ng kapatid ko ang nag-aaral, sa parehong pampribadong paaralan pa. At hindi na din magtatagal, kailangan ko ng pumasok sa kolehiyo. At tiyak na mas mabigat na ang gastusin. Kailangan nyang magtrabaho at kumita.

Kung tutuusin madami ang napalampas na pagkakataon si Tatay, lalo na sa ‘kin. Wala sya nun una akong umakyat sa entablado para magtanghal ng isang awit. Wala sya nun una akong grumadweyt sa elementarya. Palagi syang wala. Kapag nandito naman sya sa Pilipinas para magbakasyon, halos wala na akong panahon para makipag-usap sa kanya. Abala rin kasi sya sa pag-aayos ng kanyang mga papeles sa pag-alis muli. At mas malaki ang oras ang naibubuhos ko sa pagpasok sa eskwelahan.

Minsan nga naisip ko, mas kilala ko pa ang ibang tao kesa sa aking ama. Hindi ko alam kung ano ang paborito nyang gawin at hilig. Siguro kung may magtatanong sa ‘kin kung ano ang paborito nyang pagkain ay isang malaking ewan ang maisasagot ko. Sya kaya, alam kaya nyang paborito ko si Doraemon? Siguro, hindi. Alam din kaya nyang hilig ko ang pagsulat? Malamang, hindi din. Madalas akong naiinggit pag may nakikita akong mag-amang magkasama na umaalis. Iniisip ko na sana naging malapit din kami ng aking ama.

Pero kahit ganun ang nangyare, wala akong karapatang sumbatan sya sa mga panahong wala sya. Ginawa nya lang naman yon para matustusan ang mga pangangailangan namin. Nandyan naman ang aking ina, para bantayan kami. Pasalamat na lang ako. At isang katulad nya na ama ang meron ako. Kahit naman wala sya, alam kong hindi nya kami pinabayaan.

Hindi man natin sya madalas makasama, sa kadahilanng sya ang karaniwang nagtatrabaho, ay utang na loob pa rin natin sa kanya ang ating buhay. Kung wala sya, hindi tayo magiging ganap na tao. Kailangan lang nating tanggapin na hindi sa lahat ng pagkakataon, ang pamilya natin ay kumpleto at masaya. Pero sabi nga nila, may panahon sa lahat ng bagay. At alam kong darating din ang panahon na makukumpleto ang bawat pamilya sa hapag-kainan at hindi na kakailanganin na may lumisan pa ng bansa para lang kumita ng pera.

********************************************************************

para ‘to sa Filipino namin e.

haha. haay. wala ko sa kundisyon para gumawa..

sanaysay pa naman ‘daw’ to..

HAPPY FATHER’S DAY!

[06.20.08]

-kelangan ko pa palang dagdagan ‘to!

syete! hindi ko alam gumawa ng balangkas! buset.

haays. mabuti naman at natapos ko na din ire-write ‘to! sakit sa kamey. hahaha. :P

BEE :D

June 11th, 2009

Ang hirap alalahanin at sabihin kung kelan talaga ako huling naging masaya. At kung naging masaya nga ba ko?. Malaki ang posibilidad na bilang tao, ako ay nakangiting aso sa mga panahong inaakala ng iba ay tunay nga akong masaya. Minsan, ako mismo, naniniwala sa panlabas kong anyo. Nag-aastang walang problema at ayos lang ang lahat ng mga bagay. Natural na lang siguro ‘yun. Dahil mas madaling magkunwaring masaya ka, kesa magpaliwanag kung bakit ka malungkot. Pero, kahit bihis na bihis ng magagandang ngiti, hindi ko pa rin maikubli ang nagtatagong kalungkutan.

Sino ba kasi may pakana na kelangan nating magpanggap na masaya?

Nitong mga nakaraang araw, namuhay ako na ang iniisip lamang kung magiging masaya nga ba ako sa susunod pang mga araw at hindi maubos ang oras ko sa mga walang kabuluhang bagay. Madalas akong nagkukulong sa kwarto. Sa kadahilan na rin na madami ang kelangan gawin. At mga bagay na sadyang gumugulo sa isipan ko, pero hindi ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit ako nag-iisip. Samantalang, hindi ko naman dapat isipin.

Ang gulo ko talaga.

Sigurado kaya ang  mga taong nakapaligid sa ‘kin na masaya ako?

Palagay ko… HINDI. Maaaring naguguluhan lang ako. O sadyang magulo lang talaga. Pero napagtanto ko din na masyadong marami akong ginagawa at iniisip na mga bagay na dapat at kelangan patunayan. Namumuhay ako sa sukatan na ginawa ng iba. Madalas kong tanungin ang sarili ko kung naging masaya nga ba ako. Sa maraming panahon na hindi ko magustuhan ang sagot ay agad akong iisip ng paraan o bagay na inaakala kong makapagpapasaya sa ‘kin. Bihirang magtugma ang taas ng aking layunin sa taas ng aking narating. At sa oras naman na magtagpo ang dalawang ito, tatanungin ko ulit ang aking sarili kung masaya na ba ako?. At babalik ulit ito sa sagot na hindi. Doon magsisimula ulit ang paghahanap ko ng saya.

Ikaw, masaya ba?

Hindi lahat ng ating gusto ay magiging totoo. Laging may kulang. Kung kaya ko lang isipin, siguro mas masarap ang tulog ko.

Hindi iikot ang mundo ayon sa ating gusto. Pero pwede nating sabayan at mapakinabangan hanggang sa mahilo tayo sa ikot ng mundo. Alam kong wala pa akong alam sa buhay. Maaring napailing at hindi ka na sang-ayon sa mga bagay na nabasa mo.

Pero kahit ganun, naniniwala akong hindi dapat sukatin ang ating buhay ayon sa dami ng beses na naging masaya tayo.

Para maging masaya tayo, kelangan lang nating tanggapin na hindi lahat ng bagay na ating gusto ay makukuha natin at hindi sa lahat ng oras ay lagi tayong masaya.

“Kelangan ko lang makuntento kung ano ang meron ako.”

“ BEE HAPEE :D

[06.11.09]

juana

May 26th, 2009

“Life is a big redundancy of what you make it.”

Hays. Nalalabi na ang oras ko. Ilang araw na lang magpapasukan na.. pero hanggang ngayon wala pa din nagbabago sa buhay ko. Paulit-ulit na lang. Nakakapagod. Nakakasawa…

Labinlimang taon na kong epal at pabigat. Ang tanda ko na pero parang wala pa ring saysay at patutunguhan ‘tong “buhay” ko..

Mukha na kong timang. Palagi na lang nakahilata, nakaupo, nakahiga. Kain – tulog – computer. Nakakapagod na din maging tamad. How ironic? Pero totoo.

Pathetic…

Kikilos lang ako ‘pag gusto ko. Kikilos lang ako ‘pag inutusan ako. Pero magdadabog pa yan.

“Anu ba?! Kelangan pa ba yan mga yan?! BATUKAN KAYA KITA!! MAG-ISIP KA NGA!!”

Kelangan ko na ‘tong gamutin. Baka lumala pa lalo ‘tong sakit ko – ang KATAMARAN.

“Kapitan Sino!! HELP!! Haha!”

Kaya napagdesisyunan ko maging masipag naman kahit papaano. Iiwasan ko na yun paghihilata at paghiga sa sofa. Haha! Para naman pumayat-payat pa ko. Bwahaha. :P

Saka feeling ko nabo-bobo na ko.(kelan ba hinde?)

Sabi nga nila, mas lapitin ka sa sakit kung tamad ka.

Napagtanto ko na din kasi wala akong patutunguhan kung parati na lang akong ganito.

Saka ayoko naman maging babaeng bersyon ako ni Juan.

“ANO KO? JUANA TAMAD??! NO WAY!!”

Siguro ito na talaga! Ito na ang panahon. Gawin ang mga dapat gawin. Tapusin na ang dapat tapusin. Kelangan kong mabuhay ng matiwasay at hindi tulad ngayon.

Pero…

Bukas na lang… Katamad e… Hahaha! :P

Paalam! :)

[05.26.09 - 08:26 pm]

HiLO

May 16th, 2009

“Life is so unfair.”

Palagi ko na lang naiisip. Bakit nga ba ganun? Wala sigurong magiging fair o magpapantay? Parating may lamang o kulang.

Aminado akong madami akong hinanakit sa buhay. Kaartehan. At demanding akong nilalang. Hindi ko lang sinasabi pero sa loob-loob ko, nagwawala na. Nagpupumiglas na masabi kung ano man ang nararamdaman at gustong sabihin.

Hindi ako masalitang tao. Kinikimkim ko lahat ng nararamdaman ko. Kapag hindi ko na kaya, bigla na lang sasabog. Makikita mo na lang ako nasa sulok.

Kadalasang sinasabi nila matapang ako, malakas. Pero nagkakamali sila. Oo. Pinipilit kong maging malakas kahit alam kong hindi ko na kaya. Kadalasan pa nga, ako na ‘tong may problema, ako pa nagpapalakas sa ibang tao.

Ang hirap din minsan. Akala nila, sa kadahilanan matapang ako, na kaya kong dalhin ano man ang nararamdaman ko, wala na kong maasahang tao na makapagbigay ng lakas ng loob.

“Parang sa isang iglap, nawalan ako ng kaibigan o kakilala. Mistulang ako’y isang estranghero na napadpad kung saan.”

Alam ko masamang umasa. Pero totoo naman na ‘pag may ginawa kang isang bagay, maiisip mo pa din na sana may kapalit.

“Puro na lang ba ako? O sadyang walang taong gustong magpalakas at dumamay sa ‘kin?”

Pero kahit ganito ang buhay ko, masasabi kong masaya pa din ako.

CHEMPRE!

Lalu na’t napatunayan kong may isang tao pa rin na nagtitiyaga at nakapagbibigay ng saya at lakas ng loob sa ‘kin.. (Hmm.. Alam mo naman kung sino ka. :P )

Saka hindi naman talaga lahat ng gusto natin pwedeng makuha.

Katulad lang din naman na: hindi lahat ng gusto nating pagkain e makakain natin sa parehong panahon. Isa-isa lang. Dapat tayong makuntento kung anu man ang meron tayo.

“It’s not counting what we have; it’s loving what we have.”

Haaays. Ganito talaga ang buhay. Up and down. Parang gulong.

Paikot-ikot hanggang sa mahilo ka.

Kagaya ngayon, hilo ka na sa pinagsasabi ko. Hahaha! Behlaat! :P

[O5.16.09-9:12pm]

rain.

May 13th, 2009

Mas enjoy talaga ako pag nagko-commute lang kame. Mas madame akong nakikita at napapansin.

Katulad kanina, habang papunta kami nina Mama sa … kung saan man ang mararating. May nakita ako. Onga pala, badtrip! Umulan na naman kanina. Haays! Kawawa naman si Inang Mundo, sira na… So, kung kayo e maglalamyerda, ‘wag nyong kalilimutang magdala ng payong! Mahirap na. Naranasan ko nang mag-mukhang basang sisiw. Ang lagket!! Saka yung may mga MOTOR dyan, magdala na kayo ng kapote! (MAY TAMAAN SANA.. :D )

Ayun. Balik tayo sa magiging kwento ko. Ang daldal ko talaga. Haha! :P

Hindi ko alam kung matutuwa o maaawa ako sa nakita ko. May nakita kasi akong tatlong lalaki, siguro matanda lang konte sa ‘kin. Hindi ko din sigurado kung magkakapatid ba sila… Para kasing magkakasing edad lang sila e. Baka barkada?

Natuwa ako kase… Alam mo yun? Kahit umuulan tuloy pa din sila sa pagtitinda. Ang sweet nga nila e. Yun dalawa, taga-hawak nun pagkaing nilalako nila tapus yun isa naman ang taga-hawak nun payong. How sweet, diba? :)

Naawa naman ako kasi kahit ang lakas na nun ulan, tuloy pa din sila. Sigurado ako, basa na sila. Kase hindi naman talaga sila magkakasya sa iisang payong at malakas pa ang ulan at hangin. Kung mag-isa ka lang e mababasa ka, paano pa kaya sila na tatlo??

Pero parang naramdaman ko yun determinasyon nila na maibenta at maubos kung anu man yun tinitinda nila. Galing ko no? Psyche yata ‘to. Ngak! Kapal ko talaga. Haha! Sige, manghuhula na lang. :D

Nakakainggit naman sila, kahit mahirap kung anu man yun ginagawa nila… Tuloy-tuloy pa din sila at SAMA-SAMA…

Nakakapagdagdag ng lakas ng loob kasi yun alam mong may kasama ka. Kahit alam mong mahirap ang gagawin mo/nyo, atleast hindi mo maiisip na wala ka man lang nakasama sa pag-gawa ng isang bagay. Enjoy yata yun may ka-chikahan ka at kakulitan. :P

(Onga pala, nakakatuwa sa panahon ngayon, may mga kabataan pa rin na matino ang pag-iisip. Wala lang. hahaha. :) )

Hmmm…

Ako kaya?? Kelan ako makakahanap o makakakilala nang ganun klaseng mga tao/kaibigan? Pero hindi literally na magtitinda kame habang umuulan. Haha! (Pero pwede din, malay natin. Haha. :D ) I mean yun kahit sa hirap o ginhawa may makakasama ako…

Haayss… Wala lang nagdrama at dumaldal lang. Hahaha. :)

[05.13.09]

*hiyaah!*

May 11th, 2009

Ang buhay ng tao paiba-iba. Ang alam natin kung ano ang naumpisahan dun na rin magtatapos, pero hindi pala. May mga bagay-bagay na dapat natin intindihin kung bakit nagkaganun. At mga kailangan natin isakripisyo.

Wala nga talagang permanente sa mundo. May mga bagay talaga na hindi para sa ‘tin. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin makakalimutan na minsan akong naging masaya at nakadama ng FULLFILLMENT.

May panahon na akala ko kontento na ako at masaya na ko sa isang bagay. May mga pangarap at gusto kong gawin pero sadyang mailap ang tadhana. Kung ano ang gusto mo, yun pa ang hindi mo makuha-kuha. Para kang naglimas na tubig-baha.

Pero kailangan nating maging mapagpasensya. Hindi man tayo makuntento kung anu man ang estado natin. Ayos lang! May mga bagay pa din naman na nakapagbibigay sa atin ng tuwa at saya, na dapat nating ipagpasalamat.

Kailangan nating masaktan at madapa kahit hindi natin gusto. Pero sabi nga nila, hindi ka magiging matatag o matagumpay kung hindi natin ito pagdadaanan.

HIRAP MUNA BAGO SARAP. Iyon ‘yon e! :)

Basta darating din ang tamang panahon. Kapit lang tayo! CHILLAX!! :D

“Sumabay.. Sabay lang.. Kaya lang nakakapagod nang sumabay sa agos ng buhay.. Pero kaya pa.. KAKAYANIN!! *Hiyaah!* HAHA!! :D

[05.10.09]

HMD! :)

May 10th, 2009

Sa umaga: “Anak, gising na.. alas diyes na o. Tanghali na. Bumangon ka na dyan.”

Kapag nagkocomputer: “Tigilan mo nayang pag-kocomputer! Kanina pa! Tingnan naten kung hindi lumabo yan mata mo!”

Kapag nasa kwarto: “Bumaba ka na dyan, kain na.”

Kapag na-late umuwi galing sa school (o gala): “Anong oras na?! Bakit ngayon ka lang?!”

Palagi na lang ganito ang eksena sa bahay namin. Nakakasawa na. Kapagod. Daldal nang daldal ang nanay ko, parang sirang plaka! Halos kabisado ko na ata mga sermon nya e. Araw-araw may misa!

Minsan naiisip ko, buti pa sya kahit magulo at pasaway kami ng kapatid ko.. Hindi nya kami nagagawang iwan kahit galit na sya.

“Oo na! gagawin na nga e!”

Hindi ko din maiwasan minsan na masagot sya nang pabalang. Nadala lang ako..

Pero hindi yun excuse para gawin ko yun. Alam kong mali ang nagawa ko.

Ang totoo nyan, pag alis nya.. Naiiyak na lang ako kasi alam kong nasaktan ko sya sa nagawa ko.

Galit na galit ako kapag nasisigawan at pinapagalitan nya ko. Pero naiintindihan ko naman sya, kahit masama ang loob ko…

Masama ang loob?? Ako pa ang may ganang sumama ang loob?? Oo. Walang hiya at hindi ako mabuting anak. Kasi wala akong UTANG NA LOOB sa kanya. Ako na nga ‘tong inaalagaan ako pa ang nagagalit.

Minsan iniisip ko.. ano kaya kung isang araw umalis o wala sya? E di masaya yun! Walang maingay sa bahay. Walang manok na putak nang putak.

Pero nung nangyare yun, nawalan ng saya araw ko. Hindi ko din pala kayang wala sya. Hindi ko pa pala kayang tumayo sa sarili kong mga paa. At HINDI AKO SANAY NANG HINDI KO SYA NAKIKITA.

Sya nga lang ang taong WALANG DAY-OFF at WALANG SUWELDO sa mga bagay na ginagawa nya para sa amin.

“Ma…

HAPPY MOTHER’S DAY!! :D

“…pero sa lahat ng chop-chop… IKAW ANG BUO. :)

(hahaha. ginaya ko sa Lactum. BATANG LACTUM E! :D )

“LABYU MA.. :*”

PS. Nuod tayo nun BFF. Treat mo ha? :)

*Happy Mother’s Day sa lahat! :) *

[05.10.09]

kampay!

May 1st, 2009

kontento ka na ba kung anung meron ka? masaya ka ba sa mga ginagawa mo?

minsan sa ating buhay ay nakakaramdam tayo ng kalungkutan. kalungkutan na nanggagaling sa mga pangyayaring hindi natin magustuhan o matanggap. mas napapansin natin ang mga kabiguan at kalungkutan kesa sa masasayang pangyayari.

ang hirap tanggapin.. marami kang kaibigan pero hindi mo naman maramdaman ang presensya nila. tila isa kang naghuhumiyaw na makita nila subalit para kang piping hindi rin nila naririnig.

ang pagiging mapag-isa ay nagpaparamdam sa ‘kin ng lubos na kalungkutan.

KALUNGKUTANG NAiS KONG iSUMPA DAHiL HiNDi KO NAMAN SiYA KAiLANGAN.

akala ko makukumbinsi ko ang sarili ko sa simpleng ays kendi. akala ko ‘pag sinampal ko ang sarili ko e magigising na ako sa isang masamang panaginip.

AKALA KO LANG PALA.

LAHAT PALA TALAGA NG AKALA AY MALi.

SANA PWEDENG iBALiK ANG PANAHON. NA MAGiNG iSANG BATA ULiT AKO. SA SiMPLENG LOLLiPOP LANG AT LOBO E KONTENTO NA KO.. KAHiT MAG-iSA AKO.

pero hanggang SANA na lang ako..

SANA.. SANA.. SANA..

ngayon ko lang napagtanto. dalawa pala ang uri ng tao.

iSANG NANG-iiWAN(/umaalis) at iSANG NAiiWAN.

“swerte ko nga naman. ako ang naiiwan..”

PERO KAHiT MAHiRAP MAG-iSA, MASARAP AT MASAYA PA RiN MABUHAY!

“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.” – BOB ONG

(kampay! :) )

[05.01.09]

IN!!!

April 18th, 2009

May nakita akong batang lalake na nakasuot ng palda kahapon. Baket kaya? Apoy na ang ibinubuga ng aming electric fan. Medyo tumaas na din ng 50% ang electric bill namin. Medyo pa lang yan! Medyo tumaas din ang bill ng tubig. Marami nang bubuyog sa beach. Kahit sa mall meron na din. Paiksian na ng suot. Nagsusulputan na ang tindahan ng halo-halo. Mabenta ang ice candy. RAPSA!! Sports minded na ang mga SK. May mga liga na sa bawat baranggay. At hindi lang dreams ang wet, pati leki leki! At ang pinakanapansin ko ay ang mga bata. Nagkalat na sila. Bakasyon na talaga! Yey!!

Naalala ko tuloy nun mas bata pa ako. Ganun din kasi ako e. Nakikipaglaro sa mga batang kakilala at sa mga batang hindi ko naman talaga kilala. Kahit mismong pangalan nila e hindi ko alam.

Taguan, luksong baka at may luksong tinik pa!, tumbang preso, mataya-taya, habulan, langit lupa, chinese garter, bahay-bahayan, at PATINTERO.

IN!!!

Patintero. Ito ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat depende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat koponan.

Ang bawat kalahok ng isang koponan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya’t napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo. Ito rin ang tinatawag nilang patotot.

Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa koponan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang koponan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabila.

Ang unang koponan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Ang patintero ay hindi basta laro ng mga bata at isip-bata. Kahit hanggang ngayon matanda na kayo, at bata pa ako, naglalaro pa rin tayo ng patintero. Hindi na nga lang sa kalye o daan, pero sa totoong buhay. Ibang-iba na ito.. Hindi na ito na ‘pag nataya ka, pwede kang magsabi na nadaya ka. Kapag sawa ka na, ayawan na.

IBA NA.

Sa nilalaro nating patintero, WALANG ULITAN. WALANG AYAWAN. Kailangan mong malampasan ang mga nakaharang sa dadaanan mo. Hindi mo pwedeng titigan na lang ang mga guhit habambuhay. Kailangan mong pilitin, kahit alam mong may mga panganib, pagsubok at pwedeng pwede kang mataya anu mang oras. Dahil sa oras na malampasan mo ang lahat. Mapapatalon ka sa tuwa, dahil nakaya mo.

WHEW!!

Marami man ang nagbago sa patakaran ng patintero noong bata ka pa at sa buhay mo ngayon. Hindi pa rin nagbabago ang pananaw bilang manlalaro at bilang taong haharap sa mga pagsubok sa buhay.

O ngayon? Tatayo ka na lang ba dyan? O aabante para malampasan ang mga guhit? Balewala kung masaktan ka man, ang mahalaga ay nakayanan mo at narating mo ang dulo.

“It’s better to cross the line and suffer the consequences than to just stare at the line for the rest of your life.” :: PATINTERO

:)

[04.18.09]